Nagsagawa ng declogging at paglilinis sa mga drainage ang Department of Public Works and Highways (DPWH) kaninang umaga para ma-mitigate ang pagbaha sa mga kalsada sa kalakhang Maynila dulot ng walang tigil na pag-ulan dahil sa bagyong Fabian.
Ayon kay DPWH South Manila District Engineer Mikunug Macud, dahil sa mga napaulat na pagbaha sa ibat ibang kalsada sa Manila, agad ito nagdeploy ng maintenance team para magsagawa ng declogging at paglilinis sa mga drainage partikular sa may bahagi ng Taft Avenue, Remedios Street at General Malvar Street.
Ayon kay Engr. Macud ang mga basura ang siyang naging sanhi sa pagbara sa daloy ng tubig baha na umabot sa 20 centimeters ang taas lalo na may bahagi ng Malate area.
Ayon naman kay DPWH Secretary Mark Villar, regular ang pagsasagawa nila declogging at desilting operation, tuloy din ang kanilang drainage improvement projects at construction ng mga dagdag na pumping stations para ma-minimize ang pagbaha sa mga kalsada ng Metro Manila.
Pinalakas din ng DPWH ang kanilang flood-mitigation intervention.
Umapela naman ang DPWH sa publiko na gawin naman nito ang kanilang parte huwag basta basta na lamang itapon ang mga basura na siyang nagiging sanhi sa pagbara ng daloy ng tubig baha.
Samantala, patuloy naman pinag-iingat ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) ang mga residente dahil nagbabanta pa rin ang matinding pag-ulan, pagbaha at pagguho ng lupa.