Inilunsad ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang Covid-19 Booster Vaccination Program para sa kanilang mga kawani.
Alinsunod ito sa inilabas na memorandum ni DPWH Sec. Manuel Bonoan kaugnay ng direktiba para sa Pinas Lakas first 100 days Covid-19 vaccination campaign.
Layunin ng booster vaccination program ng DPWH na mapataas ang bilang ng kanilang mga empleyado na tumanggap ng booster ng Covid-19 vaccine.
Tinalakay ni DPWH Stakeholders Relations Service Head Andro Santiago ang action plan ng ahensya at mga estratehiya para ma-sustain ang Covid-19 vaccination initiatives sa field offices ng DPWH.
Hindi lang aniya mga empleyado at pamilya ang hihikayatin na magpa-booster kundi maging ang kanilang mga kakilala kaya palalakasin rin ang information at education campaign.
Magsusumite ang DPWH sa Department of Health ng datos kung gaano karami ang nabigyan ng booster sa kanilang departamento.