Muling naglabas ng abo ang Bulkang Kanlaon sa Negros Island nitong Linggo ng umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).
Batay sa Kanlaon Volcano Observatory ang ash emission na nagsimula pasado alas-8 ng umaga ay namataan sa paligid ng bulkan.
Sa video footage na ibinahagi ng PHIVOLCS, makikita ang mga greyish plumes na umabot ng 500 metro ang taas mula sa crater at dum drifting ng bulkan patungo sa timog-kanlurang direksyon.
Kaugnay nito patuloy paring nanatili sa Alert Level 2 (Increased Unrest) ang bulkan.
Noong Sabado, nakapagtala ang PHIVOLCS ng 65 volcanic earthquakes at 1,638 toneladang sulfur dioxide emission mula sa paligid ng bulkan.
Gayunding may mga naitalang moderate plumes na umabot ng 650 meter ang taas, na napadpad sa kanlurang-hilagang kanluran.
Pinayuhan naman ng PHIVOLCS na huwag pumasok sa apat na kilometrong radius permanent danger zone ang publiko at pinagbawal din ang paglipad ng mga eroplano na malapit sa bulkan.