-- Advertisements --

Nagtayo na rin ng tatlong modular facilities ang Department of Public Works and Highways (DPWH) at Department of Health (DOH) sa Batangas, bilang COVID treatment facility.

Ayon kay DOH Assistant Secretary Maria Francia Laxamana, layunin nitong mapunan ang pangangailangan ng dagdag na pagdadalhan ng COVID patients sa naturang probinsya.

Nabatid na itinayo ito sa compound ng Batangas Medical Center sa syudad ng Batangas.

Pinasalamatan naman ng opisyal ang DPWH sa mabilis na paglalagay ng Covid-19 treatment facility.

Maliban dito, una na ring nagtayo ang ahensya ng isang (1) ICU type na may 16-bed capacity sa Lung Center of the Philippines; apat na (4) typical designed at isang (1) ICU type modular hospital sa Quezon Institute-Philippine Tuberculosis Society Inc (QI-PTSI) sa Quezon City.

Mayroon ding inilagay na 110-bed capacity; isang (1) typical designed modular hospital na may 22-bed capacity sa Dr. Jose Rodriguez Memorial Hospital and Sanitarium (DJNRMHS) sa Caloocan City at isang (1) typical designed na may 21 beds at 10 bed capacity.