-- Advertisements --
image 229

Aminado ang pamunuan ng Department of Public Works and Highways na hirap silang magsagawa ng routine maintenance sa mga kalsada sa ibat ibang bahagi ng bansa.

Ayon kay Public Works Sec. Manuel Bonoan, lumiliit ang pondo ng ahensiya na magagamit para sa national road maintenance kaya hirap silang makumpleto ito.

Paliwanag ng kalihim, sa P14billion na proposed budget ng ahensiya para sa road maintenance, P1.86billion lamang ang inaprubahan ng Department of Budget and Management (DBM).

Dahil sa mababang pondo, may mga bahagi ng mga pangunahing kalsada na hindi na nalilinis, lalo na ngayon ay tuloy-tuloy ang mga pag-ulan.

Sa ganitong pagkakataon kasi aniya, kailangan ng ‘daily’ o arawang paglilinis sa mga kalsada, kasama na ang pag-monitor sa kalidad ng mga ito.

Dagdag pa ng kalihim, na maging ang mga kalsadang mistulang maganda pa ang kalidad ay kailangan ding imonitor at isailalim sa routine maintenance bilang pagtiyak sa kaligtasan ng mga commuters.