-- Advertisements --

Tiniyak ni Department of Transportation (DOTr) Sec. Jaime Bautista na ipagpapatuloy pa rin ng ahensiya ang modernization program kahit walang pondo na inilaan para sa 2024 proposed budget.

Nasa P214.29 billion na pondo ang hiling ng kagawaran para sa fiscal year 2024,  mas mataas ito ngayon ng 102.25 percent kumpara sa kasalukuyang 2023 General Appropriations Act (GAA). 

Ayon ka Committee Senior Vice-Chairperson and Marikina City Rep. Stella Luz Quimbo mahalaga ba mabusisi ang pondo at paano ito ginamit sa mga proyekto kung saan ang mga Pilipino ang makikinabang.

Ang panukalang badyet ng DOTr ay ang ikaanim na pinakamalaking alokasyon para sa 2024, kung saan ang 79.5 porsyento ay mapupunta sa Capital Outlay (CO) para sa mga proyektong transportasyon na may malaking tiket. Ipinaliwanag ni DOTr Secretary Jaime Bautista na ang mas mataas na proposed budget ay inilaan para sa mga proyekto, tulad ng North to South Commuter Railway Systems, Metro Manila Subway Project Phase 1, LRT Line 1 Cavite Extension Project, Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Modernization Project, MRT Line 4 Project, MRT 3 Rehabilitation Project, New Manila International Airport, maraming regional airport developments at port development projects, bukod sa iba pa. Idinagdag ni DOTr Undersecretary Kim Robert De Leon na karamihan sa kanilang pondo ay nakatuon para sa kanilang mga proyekto sa riles, na ngayon ay nasa right-of-way acquisition stage.

Hinimok naman ng ilang mambabatas ang DOTr na maglaan ng mas malaking pondo sa pagtatayo at pagkumpleto ng mga lokal na paliparan, na magpapalaki ng kita, turismo, koneksyon, at pag-unlad ng rehiyon.

Ayon naman kay Land Transportation Office (LTO) Assistant Secretary Vigor Mendoza II na mabilis ma-clear ang backlog ng mga plaka ng sasakyan ngunit hindi sa mga motorsiklo.

Dahil basa 13 million ang backlog nito at ang delivery schedule ay one million a month, ibig sabihin aabutin ito ng isang taon kung saan sa susunod na taon pa matutugunan ang backlog.