Inaasahan ng Department of Transportation (DOTr) na makakatanggap sila ng mas maraming unsolicited proposals para i-rehabilitate ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) mula sa pribadong sektor matapos magsumite kamakailan ng P100-billion ang Manila International Airport Consortium.
Ito ay binubuo ng anim sa pinakamalaking conglomerates sa bansa at isang US-based infrastructure investment company.
Sinabi ni Transportation Secretary Jaime Bautista na dumating na ang dalawang kahon ng mga dokumento na naglalaman ng panukalang i-upgrade ang main gateway ng bansa.
Nang tanungin kung higit pang mga bid ang inaasahang darating, sinabi niya na dapat asahan pa umano ang karagdagang mga panukala.
Ang P100-billion unsolicited proposal ay isinumite ng Manila International Airport Consortium (MIAC), na naglalayong doblehin ang kapasidad ng pasahero ng NAIA sa 62.5 milyon bawat taon sa 2028 mula sa 31 milyon sa kasalukuyan.