Tiniyak ni Department of Transportation Sec. Arthur Tugada na hindi babahain ang pinaplantsang Metro Manila Subway dahil may karanasan na umano ang Japanese firm na kanilang kinuha bilang contractor nito.
Sinabi ni Sec. Tugade na malaki ang maitutulong ng karanasan. kakayahan maging ang teknolohiya ng JIM Technology (JIMT) Corporation para siguraduhin na hindi magbabaha ang naturang subway.
Dagdag pa ng kalihim, hindi raw dapat mag-alala ang publiko kung babahain ang Manila subway station dahil magkaiba ang lokasyon ng Japan sa Pilipinas.
Parte aniya ng naging plano para sa nasabing proyekto ang soil testing. Dito ay sinigurado ng ahensya na hindi basta bibigay ang lupa sa ibabaw ng subway.
Sisimulan ang partial operations ng tinaguriang “project of the century” sa taong 2022 at inaasahan na magagamit na ito ng publiko sa 2026.
Ang 35-kilometer subway project ay kaya raw magbigay serbisyo sa 370,000 pasahero araw-araw kung saan magkakaroon ito ng 17 stations mula Valenzuela City hanggang Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 at Food Terminal Inc. complex.