-- Advertisements --

ILOILO CITY – Hindi napigilan ni Department of Transportation (DoTr) Secretary Arthur Tugade na mainis kay Philippine Coast Guard (PCG) Chief Leopoldo Laroya kasabay ng pagbisita ng kalihim sa Iloilo City.

Napag-alaman na si Tugade ay naging panauhing pandangal sa inauguration ng bagong building ng PCG sa Western Visayas kung saan naroon rin sa kaganapan si Laroya.

Sa kanyang speech, binanatan ni Tugade si Laroya sa harap ng maraming tao at sinabihan ang PCG chief na hindi pa ipinanganak ang taong magdidikta sa kanya kung gaano kahaba ang magiging talumpati nito.

Nainis din ang kalihim kay Laroya at inalok na siya na lang ang magbigay ng talumpati matapos na makita nitong naglalakad sa entablado ang PCG chief kasabay nang pagsasalita nito.