Maaaring maging mas maaga ang deklarasyon ng heightened alert sa mga pantalan, ports at iba pang transportation hub.
Ito ay kaugnay ng holy week preparation ng Department of Transportation (DOTr), dahil sa inaasahang volume ng mga byahero, mula sa international at domestic travels.
Ayon kay Transportation Sec. Jaime Bautista, lahat ng paghahanda ay kanilang ikinokonsidera upang maiwasan ang mga aberya sa pagbuhos ng mga tao sa huling bahagi ng buwan ng Marso.
Nakipag-ugnayan na ang DOTr sa iba’t ibang law enforcement agencies tulad ng Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP) at Bureau of Fire Protection (BFP) upang matiyak ang seguridad ng mga biyahero.
Nangako naman ang mga opisyal ng Manila International Airport Authority at mga expressway na magtatalaga sila ng dagdag na tauhan para matugunan ang pangangailangan ng mga kababayan nating maglalakbay.
-- Advertisements --