Plano ng Department of Transportation (DOTr) na magtatag ng bagong mga paliparan sa apat na mga probinsiya.
Ibinahagi ni Transportation Undersecretary Timothy Batan na tinitignan ng kagawaran ang pagtatayo ng bagong mga paliparan sa Zamboanga, Dumaguete, Masbate, Bukidnon at iba pang mga probinsiya at munisipalidad.
Layunin aniya na magkaroon ng mas ligtas at mas malawak ang mga paliparan upang makapag-accommodate ng mas maraming flights para sa mga pasahero.
Inihayag din ng DOTr official na balak din ng gobyerno na magpokus sa paglikha ng New Manila International Airport sa Bulacan at Sangley International Airport sa Cavite.
Isa sa mga proyekto ng ahensiya ay ang pag-modernize sa mga pasilidad ng mga paliparan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng biometric technology at self-service check-in at boarding solutions.