-- Advertisements --
Plano ngayon ng Department of Transportation (DOTr) na maglagay ng mga elevated walkways sa ilang bahagi ng EDSA.
Sinabi ni DOTR Undersecretary Jesus Ferdinand “Andy” Ortega na ilalagay ang mga ito sa mga lugar kung saan maraming mga naglalakad at tumatawid.
Isa kasi sa mga sanhi ng pagbagal ng mga sasakyan ay ang pagdaan ng mga pedestrian sa kalsada.
Kapag sa taas na ang mga walkway ay magiging convenient, ligtas at maayos na ang nasabing mga walkways.
Isinasapinal na rin nila ang privatization ng EDSA Bus Carousel para maimprove ang commuter experience.
Nakasaad sa kanilang plano ang paglalagay pa ng dagdag na bus stops at maging ang buses na dumadaan sa EDSA.