-- Advertisements --

Naghahanap na ang Department of Transportation (DOTr) ng private sector partner para sa pagdevelop ng ferry system na iikot sa Manila Bay, Pasig River, Marikina River at Laguna Lake.

Ayon kay DOTr Assistant Secretary for planning and project development Leonel Cray De Velez, na layon naghahanap ang gobyerno ng alternatibong ruta na nagdudugtong sa east at west corridors ng Metro Manila.

Dagdag pa nito na naghahanap sila ng Public-Private Partnership (PPP) Center of the Philippines para sa feasibility study na target na matapos ngayong taon.

Sakaling matupad ang nasabing plano ay magpapagaan ito ng daloy ng trapiko sa Metro Manila.