-- Advertisements --
Nais padaliin ni Department of Transportation (DOTr) Sec. Jaime Bautista ang imbestigasyon sa mga tauhan ng Office of the Transportation Security (OTS) na sangkot sa pagkuha ng pera ng ilang pasahero.
Ayon sa kalihim na inatasan niya ang mga opisyal nito na bilisan ang nasabing imbestigasyon.
May ugnayan na rin sila sa PNP at NBI ukol sa nasabing imbestigasyon.
Una ng itinanggi ng mga personnel ng OTS na sangkot na ang $300 na pera ng pasahero ang kanilang nilunok at ito ay kumain ng tsokolate lamang.
Dahil sa insidente ay pinatawan ng preventive suspension ang ilang personnel ng OTS habang isinasagawa ng imbestigasyon.