Isinasaalang-alang ng Department of Transportation (DOTr) na i-modernnize ang maritime sector ng bansa.
Ito ay sa katulad ng jeepney modernization program sa pamamagitan ng paghiling sa mga maliliit na may-ari ng barko na bumuo ng isang kooperatiba upang maging kuwalipikado sa mga pautang sa bangko at makabili ng mga bago at mas ligtas na sasakyang pandagat.
Sinabi ni Transportation Undersecretary for maritime sector Elmer Francisco Sarmiento na kailangang i-standardize ang istruktura ng maritime safety regulations para maiayon ito sa International Convention Safety of Life at Sea.
Ania, ang kaligtasan sa dagat ay tungkol sa pagliligtas ng mga buhay, pagkakaroon ng mas ligtas na mga barko at mas malinis na karagatan.
Maraming insidente ng maritime sa bansa ang nagresulta sa pagkawala ng buhay at ari-arian gayundin ang pinsala sa kapaligiran.
Ang isang paraan upang matugunan ang mga internasyonal na pamantayan ay para sa mga may-ari ng barko na bumili ng mga bagong barko.
Batid ng DOTr na ang pagbili ng bagong barko ay nangangailangan ng malaking halaga, at bagama’t ang Development Bank of the Philippines at Land Bank of the Philippines ay nagpapautang ng mga maliliit na may-ari ng barko, iilan lamang ang nag-avail ng kanilang alok.