Nakatanggap ng P9.5 billion karagdagang pondo ang Department of Transportation (DOTr) mula sa pondong nakalaan sa Bayanihan to Recover as One Act (Bayanihan 2).
Sinabi ni Transportation Undersecretary for Finance Garry de Guzman na malaking bahagi sa nakuha nilang karagdagang pondo ay gagamitin sa service contracting ng mga drivers na apektado ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay De Guzman, naipasok sa DOTr ang notice of cash allocation kahapon lamang, Nobyembre 3.
Sa natanggap nilang karagdagang pondo, P5.8 billion ay gagamitin sa service contracting, P2.6 billion para tulungan ang mga lubhang apektado sa sektor ng transportatsyon, at P1.3 billion para naman sa pagtatayo ng bike lanes.
Umaasa si De Guzman na sa pamamagitan nang pagtulong nilang ito sa mga apektadong drivers at operators ay ang pagbaba naman ng pamasahe ng mga pasahero, pati na rin ang singil sa iba’t ibang produkto na ibinabiyahe mula sa mga malalayong lugar.