Naglabas na ng ilang travel tips ang Department of Transportation (DOTr) para sa papalapit na long weekend.
Sa harap ito ng inaasahang pagdagsa ng mga pasahero sa mga paliparan sa bansa ngayong long weekend at holiday season.
Bahagi ito ng “OPLAN Biyaheng Ayos: SK Elections & Undas 2023” ng DOTr na ipinatutupad ng Office for Transportation Security (OTS) upang matulungan ang mga air traveler na magkaroon ng maayos na karanasan sa paglalakbay.
Kabilang na rito ang mga sumusunod:
– Paglalagay sa mga matutulis na bagay sa mga “checked baggage” upang maiwasan ang pinsala sa mga humahawak ng bagahe.
– Paglalagay sa mga liquid, aerosol, at gels sa mga resealable na plastic bag, ngunit ang lahat ng uri ng liquid, aerosol, at gels na madaling masunog o may label na “highly combustible corrosive, o toxic” ay hindi pinapayagan sa cabin.
– Paggamit ng security tamper-evident bags para sa mga duty-free items upang mapayagan ang mga ito na dumaan sa mga transit checkpoint sa mga paliparan.
– Pag-iingat sa mahahalagang bagay sa pamamagitan ng paglalagay nito sa loob ng bag upang maiwasan ang pag-iwan ng mga item sa mga checkpoint ng security screening.
Dapat ding alisin ang lahat ng metal at non-metallic items sa iyong katawan bago dumaan sa Walk Thru Metal Detector o Advanced Imaging Technology at dapat ilagay sa iyong bag ang mga divested na mahahalagang bagay upang maiwasan ang pag-iwan ng mga item sa Security Screening Checkpoints.
– ang panghuli ay ang paalalang ang lahat ng uri ng mga lighter ay ipinagbabawal sa parehong carry on at checked na bagahe