-- Advertisements --

Inatasan ng Department of Transportation (DOTr) ang mas dobleng paghihigpit sa seguridad ng lahat ng mga transport operators.

Kasunod ito sa naganap na magkakasunod na pagsabog sa ilang bahagi ng Mindanao.

Ayon sa advisory na inilabas ng DOTr na dapat ay maging vigilant ang mga personnel ng lahat ng bus operators, railway system operator, bus terminal operator at tollway operator.

Ilan sa mga isasagawang paghihigpit ay ang mahigpit na inspection sa mga gamit na dinadala sa mga bus, pag-screen sa mga pasahero at kanilang mga dalang bagahe bago sumakay ng bus.

Pagpapakalat ng mga security personnel at K9 units sa mga lugar at ang agarang pagsumbong sa mga otoridad sa sinumang kahina-hinalang galaw.

Hiningi ng DOTr ng pasensiya sa mga pasahero na maapektuhan o maiirita sa mga pagpapatupad nila ng seguridad.