-- Advertisements --
Nagbabala ang Department of Transportation (DOTR) na ang bomb joke ay may mabigat na kaparusahan.
Sinabi ni Transportation Secretary Jaime Bautista na hindi lamang epektibo ang bomb joke sa eroplano at sa halip ay lahat ng uri ng pampublikong transportasyon.
Ang sinumang mahuling nag-bibiro na may bomba ay maaring makulong ng hanggang limang taon at magmulta ng hanggang P40,000.
Magugunitang nitong Biyernes ay nagulantang ang ilang mananakay ng MRT-3 matapos na may nagbantang may bomba sa loob ng tren.