-- Advertisements --
image 28

Nagbabala ang Department of Transportation (DOTr) sa publiko laban sa pagbili at paggamit ng hindi awtorisadong merchandise na may beep card functionalities.

Ayon sa DOTr, dumarami ang mga charms, trinkets, keychain, bracelets, at iba pang accessories na maaaring alternatibong gamitin bilang stored value card (SVC).

Ang stored value card ay isang electronic card na maaaring i-pre-load at gamitin bilang kapalit ng cash na kung saan ito ay ginagamit sa LRT1, LRT2, at MRT 3, para sa mga transaksyon.

Sinabi ng DOTr na ang mga alternatibo para sa mga beep card na ibinebenta online ay hindi awtorisado.

Iginiit din ng departamento na ang AF Payments Inc. (AFPI), ang may-ari ng trademark at logo ng beepTM, ay ang nag-iisa at eksklusibong nagbigay ng mga beep card.

Tanging ang stored value card mula sa AFPI ang papayagan sa mga istasyon ng tren, at ang mga indibidwal na makikitang may hawak ng hindi awtorisadong paninda o beep card ay mahaharap sa mga parusa at kaukulang mga kaso.