Mariing kinokondena ng Department of Transportation (DOTr) ang mga indibidwal o grupo na ginagamit ang ahensya upang mang-solicit sa publiko.
Ito ay kasunod ng pagbibigay babala ng DOTr sa publiko laban sa mga indibidwal na nagso-solicit umano ng pondo para sa development ng infastructure projects, partikular na ang Subic-Clark railway project.
Sa isang abiso, pinangalanan ng ahensya ang isang John Petalcorin na nagpapakilala raw na kinatawan ng kumpanyang “infratechnik” na humahawak umano sa ilang China-funded projects sa bansa.
Humihingi raw ng pondo sa mga contractors si Petalcorin para gammitin sa pagpapatay ng naturang proyekto.
Sinabi ni DOTr Secretary Arthur Tugade na kasalukuyang nakikipag-uganayan ang ahensya sa mga otoridad tungkol sa naturang paksa, gayundin ang panagutin si Petalcorin at iba pang indibidwal na sangkot sa tiwaling gawain.
Nakiusap din si Tugade sa publiko na mag-ingat at kaagad ireport sa mga pulis ang anumang kahina-hinalang aktibidad ng mga indibidwal na ginagamit ang pangalan ng mga opisyal ng DOTr.
Gayundin ang mga nagpapanggap na nagtatrabaho para DOTr at attached agencies nito.
Ang mga reklamo ay maaaring ipadala sa DOTr Office of the Secretary o sa DOTr Public Assistance and Action Center sa pamamagitan ng official Facebook page nito.