May mga naka-abang na trabaho sa Department of Transportation para sa mga dating overseas Filipino workers (OFWs), ayon kay DOTr Secretary Arthur Tugade.
Sinabi ni Tugade na maraming mga employment opportunities sa bansa, lalo na sa ilalim ng Build, Build, Build Infrastructure Program ng Duterte administration.
Ginawa ni Tugade ang naturang pahayag kasabay nang paglalagda nila ni Labor Secretary Silvestre Bello III sa isang memorandum of agreement sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) para magbigay ng trabaho sa mga displaced OFWs.
Ayon sa kalihim, dual purpose ang MOA na ito dahil hindi na kakailanganin pa ng mga OFWs na ito na lumabas ng bansa ulit para magtrabaho, at hindi na rin kailangan pa ng Pilipinas na maghanap kung saan man ng kinakailangan na workforce para matapos lamang ang iba’t ibang infrastructure projects ng pamahalaan.
Sa ialalim ng naturang kasunduan, magbibigay ng listahan ang DOTr sa OWWA hinggil sa mga bakanteng posisyon at kinakailangan na skills para sa mga ito.
Ipagbibigay alam din ng DOTr sa OWWA ang ma benepisyong makukuha ng mga makukuhang OFWs.
Sa ngayon, nasa 200 dating OFWs na ang nagtatrabaho sa PNR Clark Phase 1 Projects, ayon kay Tugade.
Bukod dito, magkakaroon din aniya ng 2,000 pang trabaho hindi lamang sa mga dating OFWs kundi pati na rin sa mga displaced PUV drivers at conductors.