Hinikayat pa rin ng Department of Transportation (DOTr) ang mga mananakay ng pampublikong sasakyan na magsuot pa rin ng face mask.
Ayon kay DOTr Secretary Jaime Bautista na mahalaga pa rin ang pagsuot ng face mask habang nasa pampublikong sasakyan.
Ipinapatupad pa rin aniya nila ang health and safety protocols habang nasa loob ng mga pampasaherong sasakyan gaya ng bawal ang pagkain, bawal ang magsalita o kumausap sa telepono, dapat ay well ventilated ang mga pampublikong sasakayan, ang madalas na disinfection at pag-obserba ng physical distancing.
Mananatili aniya silang maging vigilante hanggang sa tuluyan ng mawala ang COVID-19.
Magugunitang pumayag si Pangulong Ferdinand Marcos na gawing optional na lamang ang pagsuot ng face mask sa mga outdoors o kapag nasa labas ang isang tao.