-- Advertisements --
Nag-break ground ang Department of Transportation at Philippine National Railways (PNR) para sa South Commuter Railway project (SCRP) ngayong araw.
Sinabi ng DOTr Sec. Jaime Bautista na ang South Commuter Railway project, na kilala rin bilang Alabang-Calamba leg ng napakalaking North-South Commuter Railway System, ay isang elevated, double track at electrified train system.
Ito ay itatayo sa kahabaan ng kasalukuyang ruta ng PNR mula Alabang hanggang Calamba.
Ang proyekto ay nagkakahalaga ng P73.25 billion na co-finance ng Japan International Cooperation Agency at Asian Development Bank.
Inaasahan na ang nasabing proyekto ay magiging malaki ang tulong para sa karagdagang kaginhawaan para sa mha mananakay.