May kabuuang 15 na ruta na ang binuksan ang Department of Transportation (DOTr) para sa mga linya ng bus na pwedeng bumiyahe sa loob ng Metro Manila sa ilalim ng general community quarantine.

Ayon sa DOTr, simula bukas, June 10 ay may dalawang bagong ruta pa sila na bubuksan para sa mga city buses.

Kabilang dito ang biyaheng Monumento-PITX at PITX-General Mariano Alvarez.

Una nang binuksan ng Transportation department, kasama ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang ruta ng mga bus augmentation ng Metro Rail Transit (MRT-3):

  • Route 1 (Monumento-Balagtas)
  • Route 3 (Monumento-Valenzuela Gateway Complex)
  • Route 5 (Quezon Avenue-Angat)
  • Route 7 (Quezon Avenue-Montalban)
  • Route 8 (Cubao-Montalban)
  • Route 9 (Cubao-Antipolo)

Mayroon ding mga pina-biyaheng bus para umalalay sa mga madalas na pasahero ng Light Rail Transit (LRT-1):

  • Route 18 (PITX-NAIA Loop)
  • Route 21 (Monumento-San Jose Del Monte)
  • Route 24 (PITX-Alabang)
  • Route 25 (BGC-Alabang)
  • Route 28 (PITX-DasmariƱas)

Kasali rin ang ruta ng bus augmentation ng LRT-2:

  • Route 11 (Gilmore-Taytay)
  • Route 13 (Buendia-BGC)
  • Route 17 (Monumento-EDSA Taft)

Pati na ang mga bus na bumibiyahe sa Route E ng tinaguriang “EDSA Carousel.”

Ayon kay LTFRB chairman Martin Delgra III, dadahan-dahanin nila ang pagbubukas ng iba’t-ibang bus routes hanggang sa implementasyon ng Phase 2 sa June 22.