-- Advertisements --

Tiwala ang Department of Tourism (DOT) na mas lalo pang tataas ang bilang ng mga turistang darating sa bansa ngayong taon.

Sinabi ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, na ito ay dahil sa patuloy ang mga programa sa turismo.

Noong nakaraang taon aniya ay may kabuuang 6,800,052 ang tourist arrival na mas mataas noong 2018 na mayroon lamang 5,911,161.

Nanguna sa bilang ay ang mga South Korea na sinundan ng Australia, Canada, China , Germany, India, Japan, Malaysia, Singapore, Taiwan, U.S. at United Kingdom.