KALIBO, Aklan – Pinagsabihan ng Department of Tourism (DoT) ang travel tour operators sa China na respetuhin ang environmental laws na ipinapatupad sa isla ng Boracay.
Ito ay kasunod sa record na ipinalabas ng Boracay Tourism Regulatory Enforcement Unit ng Local Government Unit (LGU)-Malay na tumukoy sa mga dayuhang Chinese bilang top violators sa isla.
Sa pinakahuling datos ng tanggapan, nasa 739 violations ang naitala ng mga Chinese nationals na kinabibilangan ng paglabag ng mga ito sa anti-smoking ordinace, littering, pagdala ng pagkain sa front beach at iba pa.
Ang mahigpit na pagpapatupad ng mga batas sa isla ay may layuning maging sustainable tourism ang sikat na tourist destination.
Una rito, inihayag ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Roy Cimatu na ang mga Chinese nationals pa rin ang top foreign visitors sa Boracay.
Nabatid na inilunsar ng pinagsanib na pwersa ng Boracay Inter-Agency Rehabilitation Management Group (BIARMG) at pulisya ang Project BESST o Boracay Enhanced Security Strategy and Tactics na tinaguriang “Battle of the Mainroad” upang mabawasan ang mga violators sa isla gayundin maging “Discipline Zoned Boracay†ang popular tourist destination.










