
Puspusan na raw ang kampanya ng Department of Tourism (DoT) para mas mapalago ang turismo sa Mindanao.
Sinabi ni Tourism Secretary Christina Frasco, malaki ang potensyal nito na makapagbigay ng oportunidad sa mga residente sa naturang rehiyon.
Sa panayam kay Frasco, sinabi nitong nakikipagtulungan na sila sa mga local government officials gaya ng mga gobernador, mayor at kongresista sa Mindanao para makita ng mga turista mapa-lokal o international man.
Ito ay para maipakita o mai-showcase ang ganda ng Mindanao.
Ayon kay Frasco, maraming nakatagong hiyas ang nasabing Island Region ng bansa at kailangang maipakita sa buong mundo ang ganda na taglay nito.
Dahil dito, isinagawa ang kauna-unahang Mindanao Tourism Expo na pinangunahan ng Department of Tourism (DoT) Region 11 para ipakita ang ganda ng mga lugar sa Mindanao.
Sinabi din ng kalihim na prayoridad ang Mindanao sa ginagawang kampanya na Philippine Experience na magiging bahagi ang bawat bayan at lungsod sa tour packages na aabot sa limang araw.
Maipapakita sa mga turista mga magagandang lugar nito, kapistahan at local delicacies.










