-- Advertisements --
DOT SEC. BERNA PUYAT

Kung ang Department of Tourism (DoT) ang tatanungin, gusto na nilang mabuksan ang lahat ng mga tourist destination sa bansa dahil na rin sa papalapit na holiday season o Pasko.

Sa panayam ng Bombo Radyo Philippines kay DoT Sec. Bernadette Romulo-Puyat, sinabi nitong target talaga nilang buksan ang mas marami pang tourist destination para sa mga gustong magbakasyon sa ibang lugar sa bansa sa holiday season para makapag-relax.

Kasunod na rin ito ng pagbubukas ng Boracay, Baguio at Vigan sa para sa mga local tourist.

Maliban kasi sa mga turista, layon din ng pagbubukas ng turismo sa iba pang lugar para magkaroon ng trabaho ang mga kababayang mnawalan ng trabaho dahil pa rin sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Pero nilinaw naman ni Sec. Puyat na nakasalalay pa rin sa local government units (LGUs) ang pagbubus ng mas marami pang mga tourist destination.