Inilunsad ng Department of Tourism (DOT) ang microsite para sa mga manonood ng kasalukuyang 30th Southeast Asian Games.

Ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romul-Puyat, na ang nasabing tornewo ay siyang pagkakataon ng bansa para ibida ang mga sikat na lugar sa bansa.

Makikita sa microsite ang iba’t-ibang sports activities, mga kultura ng bansa, lokal na pagkain at mga sikat na tourist destination.

May mga nakalaan na rin na tourism counters sa mga paliparan para magbigay ng karagdagang impormasyon.