-- Advertisements --

Agad ipapasara ng Department of Tourism (DoT) ang mga pasaway na hotel na tumatanggap ng leisure accommodation kahit ginagamit ang mga ito bilang quarantine facility dahil na rin sa patuloy na paglobo ng mga kaso ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ito ang babala ni DoT Sec. Bernadette Romulo-Puyat kasabay ng pagpapasara raw nila sa ilang hotels na tumatanggap pa rin ng mga guests kahit ginagamit na itong pasilidad ng covid.

Pero nilinaw naman ni Puyat na puwede pa ring tumanggap ang mga hotels ng guests basta’t hiwalay ang gusali na ginagamit bilang covid facility.

Kasabay nito, hiniling ni Puyat sa lahat ng mga gusto nang gumala at magbakasyon na maging responsable dahil sa panganib na dulot pa rin ng nakamamatay na virus.

May panawagan din ang kalihim sa mga nagpapakampanteng negatibo na sa swab test at kahit sa mga naturukan na ng covid vaccine.