Makikipagtulungan ang Department of Tourism (DOT) sa Department of National Defense (DND) pagdating sa tour operations sa Corregidor Island.

Sinabi ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat na aalamin nila kung ano ang maaring maitulong ng DOT dahil ang Corregidor Island, na isang historical site, ay nasa ilalim ng DND.

Ang Sun Cruises Inc. (SCI), ang provider ng ferry, tour, at hotel services sa Corregidor Island ay nagsara na noong nakaraang linggo makalipas ang mahigit 30 taon na paghawak sa tor operations dito.

Sinabi ni Sun Cruises president Tina Cortez na ang pagsara ng kanilang operasyon ay resulta ng COVID-19 pandemic at ang lockdown na ipinatupad magmula noong Marso.