-- Advertisements --

Kumpiyansa ang Department of Tourism (DOT) na hindi sila mahihirapang maabot ang target na P1.5 trillion na kita sa domestic tourism ngayong taon.

Sinabi ni Tourism Secretary Christina Frasco, na may mga kaparaan na silang ginawa para lalong dumami pa ang local tourists sa bawat lugar.

Ilan sa mga dito ay ang pagpapaganda ng mga pasilidad ng bawat local tourist spots.
Nangungunang bisitahin aniya ng mga turista ang Cebu, Palawan, Boracay, Siargao, Metro Manila at Batangas.

Isa sa mga programang isinusulong nila ngayon ay kung paano maipapakilala ang ilang mga hindi gaanong napupuntahang lugar.