-- Advertisements --
image 437

Kailangang ma-improve pa ang mga paliparan ng bansa upang mabigyan ng magandang travel experience ang mga turista na bumibisita sa Pilipinas.

Ito ang binigyang diin ni Tourism Secretary Christina Frasco matapos na opisyal ng inilunsad ang bagong tourism slogan ng bansa na “Love the Philippines”.

Ayon pa sa kalihim na nakikipag-ugnayan na ang DOT sa Department of Transportation (DOTr) para makapagbigay ng mga rekomendasyon para mapaganda pa ang interior at mga operasyon ng mga paliparan sa bansa.

Ang DOTr kasi aniya ang mayroong pangunahing huriskdiksiyon sa mga paliparan at ang DOT lamang ang nagbibigay ng mga suhestiyon kung paano pa mapapaganda ang mga pasilidad para sa mga biyahero.

Isa na dito ang nagpapatuloy na Filipino Brand of Service excellence program para sa mga frontline tourism workers.

Nito lamang Martes, inilunsad ang bagong tourism slogan na ipinalit sa longtime tourism campaign ng bansa na It’s More Fun in the Philippines na inilunsad noong 2012 na hindi mapagkakailang tumatak na hindi lamang sa mga Pilipino kundi maging sa mga dayuhang turista na bumibisita sa ating bansa.