Napagkasunduan nina Tourism Secretary Christina Frasco at New Perspective Media (NPM) Group CEO at founder na si Karen Franco na tulungan ang isa’t isa na maghanap ng mga paraan upang himukin ang mga turista mula sa Middle East patungo sa Pilipinas sa pamamagitan ng pagtataguyod ng medical tourism, “halal travel”, diving, arts, at culture.
Sa isang pagpupulong, nakipag-usap ang dalawa sa magkakaibang hanay ng mga oportunidad sa turismo na maaaring isulong ng Pilipinas sa Middle East.
Pinasalamatan ni Frasco si Remo para sa napakahalagang mga insight na ibinahagi niya sa pulong, na kinikilala ang kanilang potensyal na tulungan ang departamento sa pagpoposisyon sa Pilipinas bilang isang pandaigdigang destinasyon sa paglalakbay.
Kung matatandaan, ang bansa, na tahanan ng UNESCO World Heritage Site na Tubbataha Reefs Natural Park, ay nanalo bilang “Best Dive Destination”.
Samantala, binati ni Remo ang DOT para sa karapat-dapat na pagkilala sa Pilipinas bilang Emerging Muslim-Friendly Destination of the Year sa ginanap na Halal in Travel Global Summit 2023, na ginanap sa Singapore noong Hunyo 1.
Una na rito, noong Disyembre 2023, ang DOT ay nag-uudyok sa mga overseas Filipino na mag-imbita ng mga turista na tuklasin ang Pilipinas sa pamamagitan ng “Bisita Be My Guest” (BBMG) program.