-- Advertisements --
image 409

Nananatili namang nakataas sa heavy rainfall warning ang maraming lugar sa buong luzon.

Ayon sa Department of Science and Technology, nasa ilalim ng Yellow Warning ang Metro Manila na kinabibilangan ng Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela, Quezon City, at Marikina, kasama na ang ilang mga bayan sa mga Probinsiya ng Rizal, Tarlac, Pampanga, at Bulacan.

Red Warning naman ang nakataas sa halos lahat ng bayan sa probinsya ng Cagayan, kung saan nagland fall ang Bagyong Egay. Kasama rin sa Red Warning ang Ilocos

Nangangahulugan ito na magtutuloy-tuloy ang mabigat na pag-ulan at matinding pagbaha at mga landslide sa mga kalsada, kabundukan, kasama na ang mga matatrik na lugar.