-- Advertisements --

Inaalalayan na ng lokal na pamahalaan ng Davao City at ng mga ahensya ng pamahalaan ang mga residente ng 30 kabahayan na natupok sa sunog sa Barangay Duterte, Davao City.

Nabatid na kinailangan pa ng tulong ng Philippine Coast Guard (PCG) para maapula ang apoy at mailikas ang mga residente.

Kaya naman, ilang tauhan ng Special Operations Unit-Southeastern Mindanao and Coast Guard Station Davao ang tumugon sa paghingi ng saklolo ng mga mamamayan.

Maliban sa pag-contain ng sunog, binigyan din ng tulong ang mga nawalan ng bahay.

Napagkalooban sila ng pagkain at pansamantalang tutuluyan, kasama na ang pamalit na mga damit habang inaantabayanan ang iba pang tulong ng mga kinauukulang tanggapan. (Reports from Bombo Dennis Jamito)