Aabot sa 23,500 bivalent COVID-19 vaccines ang nananatiling hindi pa rin naibabakuna mahigit dalawang buwan na matapos matanggap ng bansa nag halos 400,000 donasyon ng naturang bakuna mula sa Lithuania.
Ayon kay Department of Health (DOH) Secretary Ted Herbosa, nasa 94% naman ang naiturok na mula sa mahigit 390,000 ng bivalent vaccine.
Aniya, tinarget nilang maibakuan sa katapusan ng Agosto ang lahat ng 391,860 Pfizer bivalent vaccine na natanggap ng bansa mula sa Lithuania noong Hunyo 3 subalit inabot ito hanggang ngayong Setyembre.
Paliwanag ng kalihim na bumaba ang bilang ng nagpapabakuna ng COVID-19 vaccines sa buong bansa dahil hindi na takot pa ang mga tao sa sakit.
Humiling din aniya ang bansa ng karagdagan pang 2 million bivalent vaccines mula sa COVAX global vaccine sharing facility.
Subalit dahil sa mababang bilang ng nagpapabakuna, posibleng hindi aniya magamit lahat lalo na kapag mayroong maikling shelf lives ang mga ito.