-- Advertisements --

Hindi makahanap ng insurance company si dating US President Donald Trump para mag-underwrite ng $464-M civil fraud case na kinakaharap nito.

Ayon sa abogado ni Trump, lubos silang nahihirapan na maghanap ng bonding companies na iko-consider ang napakalaking halaga. 

Matatandaan na noong Pebrero ay inutusan si Trump ng korte na magbayad ng $464 million na disgorgement at interest nito matapos mapatunayan na nagsinungaling ito sa kanyang financial statements kabilang na ang real estate holdings. 

Pinagmumulta rin ng korte ang mga anak nito na sina Donald Trump Jr. at Eric Trump ng $4-M each. 

Dahil dito, maaaring mapilitan si Trump na gamitin ang kaniyang real estate bilang collateral. 

Tinawag naman itong “unconstitutionally excessive” ng mga abogado ng dating US president at naghain sa korte para sa mas mababang bond amount ngunit hindi ito pinagbigyan ng New York Attorney General’s Office. 

Ilang beses na rin itinanggi ni Trump ang mga akusasyon laban sa kanya at sinabing sila ay mag-aapela.