-- Advertisements --

May napili na si Pope Francis para mamuno sa Diocese ng Alaminos City sa lalawigan ng Pangasinan.

Itinalaga ng Santo Papa nitong araw ng Linggo ang Dominican priest na si Fr. Napoleon Sipalay.

Siya ang ikatlong Filipino Dominican priest na itinalaga sa episcopate na ang mga naunang pareng Dominicano ay sina Archbishop Emeritus Leonardo Legazpi ng Caceres, at ang namayapang Auxiliary Bishop Jose Salazar ng Lipa.

Papalitan Sipalay si Bishop Ricardo Baccay na itinalagang arsobispo ng Tuguegarao noong Oktubre 2019 at pormal na naupo noong Enero 14, 2020.

Nabakante ang nasabing posisyon ng apat na taon at habang noong ito ay bakante ay nasa pangangalag siya ni Auxiliary Bishop Fidelis Layog ng Lingayen-Dagupan bilang apostolic administrator.