TACLOBAN CITY – Nakitang sugatan ang isang dolphin na sumadsad sa baybayin ng Brgy. Napanpan, Mondragon, Northern Samar.

Napag-alaman na naobserbahan ng mga mangingisda na palutang-lutang ang isang dolphi na may habang dalawang metro ang bigat o tinatayang nasa 40 to 50 kilos.

Ayon kay Juan Albaladejo, regional director ng BFAR Region 8, nagtamo ng sugat ang naturang dolphin sa pagkakasayad nito sa mga bato sa naturang lugar.

Kaagad naman na-rescue ang dolphin kung saan kaagad itong nilapatan ng lunas.