Tiniyak ng Department of Labor and Employment na mayruon silang inihandang mga intervention ang ahensiya para matulungan ang nasa 17,000 Filipino POGO workers sa sandaling matigil na ang operasyon nito sa bansa.
Sa isinagawang pagdinig ng House Committee on Labor and Employment, siniguro ni DOLE Employment Service Policy and Regulation Division Chief Rosalinda Pineda na may nakalatag na programa para sa mga maapektuhang Pinoy POGO workers.
Batay sa datos nasa 19,746 sa mga ito o 47% ang Pilipino habang 21,918 ang foreign national.
Aminado naman si Pineda na ang tulong na ibibigay sa mga displaced POGO workers ay maaaring hindi matumbasan ng DOLE ang halagang kinikita ngayon ng mga nagtatrabaho, directly at indirectly sa POGO industry.
Umapela naman ang ilang POGO employee na maging bukas sana ang isip ng mga mambabatas sa malaking tulong ng POGO sa kanilang kabuhayan.
Ayon kay Jacquelin Adap na isang POGO encoder na malaking tulong sa kaniyang pamilya ang pagtatrabaho nito sa POGO industry.
Sinabi ni Adap, simula na magtrabaho siya sa POGO nakapag pundar siya ng bahay at mga appliances dahil mataas ang sahod na ibinibigay sa kanila.
Aniya, maganda ang kanilang relasyon sa mga kasamahang banyaga.