Pupulungin ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga employers at ilang mga sectors para pag-usapan ang hazard pay sa kanilang mga manggagawa ngayong nararanasan ang coronavirus disease 2019 o COVID-19.

Sinabi ni DOLE Secretary Silvestre Bello III, na kanilang kokonsultahin din ang mga tripartite group.

Dagdag pa nito na hinihintay lamang niya sa kaniyang opisina ang kopya ng batas na kakapirma lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte na tinaguriang Bayanihan to Heal As One.

Kapag natanggap na nila ang nasabing batas ay gagawa na sila ng mga guidelines.