-- Advertisements --

Sinimulan na ng Occupational Safety and Health Center (OSHC) ang imbestigasyon sa pagkakaaksidente na sanhi ng kamatayan ng beteranong actor Eddie Garcia.

Sinabi ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III, na titignan ng OSHC kung may mga pagkukulang ang TV production company kung saan naaksidente ang actor.

Makikita rin sa imbestigasyon kung naipatupad ba ang safety and health plan ng kumpanya.

Umaasa naman ang Federation of Free Workers (FFW) na mailabas ang katotohanan at mapanagot ang tunay na may sala sa nasabing aksidente.