Pinaalalahanan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga employers ng pribadong sektor sa tamang pasahod sa kanilang mga empleyadong papasok ngayong araw Abril 21, o ang pagdiriwang ng Eid’l Fitr (Feast of Ramadan).
Sa advisory na inilabas ni DOLE Secretary Bienvenido Laguesma , na dapat mahigpit na sundi ng mga employers ang tamang pasahod lalo na ngayong idineklara ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr bilang regular holiday.
Base sa advisory na ang mga empleyadong papasok ngayong araw ay makakatanggap ng kabuuang 200 percent ng kanilang arawang sahod.
Mababayaran din ng buo ang sinumang empleyado na napiling hindi pumasok sa trabaho ngayong araw habang ang nagtrabaho na lumagpas ng walong oraw ay mayroong 30 percent na dagdag sa bawat oras na ito ay nagtrabaho.
Kapag nataon na day-off ng empleyado at siya ay pinapasok ng employer ay makakatanggap ito ng dagdag na 30 porsyento at dagdag pa rin ng 30 percent sa kada oras kapag ito ay nagtrabaho ng mahigit ng walong oras.