-- Advertisements --
Mahigpit na pinaalalahanan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga employer na sundin ang tamang pasahod sa kanilang empleyado na papasok ngayong Disyembre 25 o araw ng Pasko.
Sa inilabas na Labor Advisory 12 series of 2019 na ang mga empleyado na papasok ngayong araw ay dapat bayaran ng 200% ng kaniyang sahod sa loob ng walong oras.
Kapag lumagpas ng walong oras ay mababayaran ng karagdagang 30% ng kaniyang arawang sahod sa kada oras na igugugol nito sa trabaho.
Sakaling pumasok ito sa araw ng kaniyang day-off ay mababayaran ang isang empleyado ng 200% sa kaniyang arawang sahod at karagdagan 30% sa bawat oras na kaniyang ipinasok.