Muling nagpaalala ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga employer na sumunod sa tamang pagbabayad sa mga empleyado na papasok ngayong araw.
Nakasaad sa Labor Advisory 16 na ang Agosto 29 ay isang Regular Holiday dahil sa National Heroes Day.
Nakasaad sa advisory na ang sinumang empleyado na hindi pumasok ay mababayaran pa rin siya ng 100 porsyento sa kaniyang arawan sahod.
Kapag pumasok naman ang empleyado ay makakatanggap ito ng 200% ng kaniyang arawang sahod sa loob ng walong oras.
Sakaling nataon na day-off ng isang empleyado at ito ay pumasok ay mayroong dagdag na 30% sa kaniyang basic na sahod.
Habang kapag ang empleyado ay pumasok ng mahigit walong oras ay mababayaran ito ng dagdag na 30 percent sa kada oras ng kaniyang pagpasok.