-- Advertisements --
Inilunsad ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang special employment program para sa mga mahihirap na mag-aaral na nais ng temporayong trabaho habang nag-aaral o panahon ng kanilang bakasyon.
Sa ilalim ng DOLE special program for employment of students na ang mga eligible individuals ay maaaring magtrabaho mula 20 hanggang 70 araw.
Pinayuhan ng DOLE ang mga interesadong indibidwal na magtungo sa mga public employment service office sa kanilang mga lugar.
Ilan sa mga requirements ay dapat magkaroon ng average passing grade ang mga interesadong estudyante na kukuha ng nasabing programa.









