-- Advertisements --

Naglabas na ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng panuntunan sa tamang pasahod ng mga employers sa mga holidays ngayong Oktubre at Nobyembre.

Ayon sa advisory ng DOLE na ang mga araw na tinukoy dito ay ang Oktubre 30, Nobyembre 1 at Nobyembre 2 na idineklara bilang special (non-working) days.

Nakasaad dito na kapag ang empleyado ay hindi pumasok ay magiging epektibo ang “no work, no pay” principle.

Sa mga pumasok naman sa nasabing araw ay mayroong dagdag na 30 percent ng basic wage sa loob ng walong oras.

Sakaling lumagpas ng walong oras ang empleyado ay makakatanggap ng dagdag na 30 percent ng kaniyang rate sa kada araw.

Kapag naman nataon na day-off ng empleyado at ito ay pinapasok ay mababayarn ito ng 50 percent sa unang walong oras at dagdag na 30 percent sa kada isang oras na overtime.

Sa Nobyembre 27 na deklaradong regular holiday bilang Bonifacio Day ay makakatanggap ang isang empleyado ng 100 porsyento ng kaniyang arawang sahod at kapag hindi ito pumasok ay mababayaran pa rin ng sahod na kaniyang tinatanggap sa araw na iyon.

Kapag overtime naman ay makakatanggap naman ito ng dagdag na 30 percent sa kaniyang hourly rate.

Kapag nataon na day-off ng isang empleyado ay makakatanggap itong kabuuang 200 percent sa arawang sahod at dagdag na 30 percent sa kada oras na ipinasok nito.