-- Advertisements --
DOLE

Pinaalalahanan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga employer mula sa pribadong sektor ng kanilang obligasyon na protektahan ang mga impormal na manggagawa, kabilang ang mga kasambahay mula sa gender-based sexual harassment (GSBH) sa mga lugar ng trabaho.

Binigyang-diin ni DOLE Undersecretary Benjo Santos Benavidez na kinakailangan ng batas para sa kapwa empleyado at katrabaho na pigilan at iulat ang anumang kaso ng sexual harassment sa trabaho.

Sa inilabas na guidelines ng DOLE, tinukoy ang gender-based sexual harassment bilang mga partikular na gawain na may parusa salig sa ilalim ng Republic Act 11313 (Safe Spaces Act) na maaaring gawin sa mga lansangan, pampublikong lugar, online, workplace, at sa educational and training institutions.

Sa ilalim ng batas, ang GBSH ay kinabibilangan ng mga gawaing hindi katanggap-tanggap na sexual action o pananalita laban sa sinumang indibidwal anuman ang motibo ng mga naturang aksyon o pananalita.

Inaatasan din ng DOLE ang mga employer na i-orient ang kanilang mga manggagawa sa mga establisyimento at sambahayan hinggil sa Safe Spaces Act.

Dapat ding sundin ng Committee ang angkop na proseso, tingnan ang bawat reklamo, at gumawa ng desisyon sa loob ng 10 araw pagkatapos matanggap ito. Bukod pa rito, dapat ding tiyaking protektahan ang reklamo mula sa posibleng paghihiganti.